Duterte, pormal ng hiniling sa Kongreso na palawigin ang Martial law sa Mindanao
Pormal na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado at Kamara ang extension ng Martial law sa Minadano hanggang sa katapusan ng 2019.
Sa liham kina Senate President Vicente “Tito” Sotto at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na may petsang December 6, sinabi ng pangulo na patuloy ang paglaban ng mga teroristang grupo sa gobyerno sa pamamagitan ng karahasan sa Mindanao kahit naka-extend na ang batas militar.
Binanggit ni Duterte ang ilang pambobomba sa rehiyon kabilang ang naiulat sa Lamitan City, Basilan, Isulan, Sultan Kudarat at General Santos City sa nakalipas na mga buwan.
Dagdag ng pangulo, sa pamamagitan ng Martial law extension ay mapupuksa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies ang rebelyon sa Mindanao at patuloy na mapipigilan ang paglaganap nito sa ibang bahagi ng bansa.
Idineklara ng Punong Ehekutibo ang Batas militar sa Mindanao matapos ang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City noong May 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.