Guevarra: Trillanes, pwedeng bumiyahe sa ibang bansa kung walang HDO
Sinabihan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Immigration (BI) na hayaang makalabas ng bansa si Sen. Antonio Trillanes IV kung walang Hold Departure Order (HDO) mula sa korte.
Ayon kay Guevarra, maaaring makabiyahe sa ibang bansa si Trillanes dahil walang HDO na inilabas ang mababang korte.
Una rito ay hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa magkakahiwalay na korte na pigilan ang senador na makabiyahe sa abroad dahil sa mga nakabinbin na kaso laban dito kabilang ang inciting to sedition na nakasampa sa Pasay court at Pasay Prosecutor’s Office.
Pero iginiit ni Guevarra na bahala na si Trillanes kung bibiyahe ito sa ibang bansa nang walang pahintulot ng Davao Regional Trial Court (RTC) kung saan dinidinig ang mosyon mula sa DOJ na maglabas ng HDO laban sa mambabatas.
Nakatakdang pumunta si Trillanes sa Europe at Estados Unidos mula December 11, 2018 hanggang January 12, 2019 at mula January 27 hanggang February 10, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.