Mga kandidato, binalaan ni Duterte na huwag takutin ang mga botante sa 2019 polls

By Chona Yu December 10, 2018 - 07:04 PM

Pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidatong pulitiko na huwag i-terrorize o takutin ang mga botante sa nalalapit na 2019 elections.

Sa talumpati ng pangulo sa turn-over ng AFP/PNP housing project sa San Miguel, Bulacan sinabi nito na kapag may nabalitaan siyang mga kandidato na nananakot ay siya mismo ang aaresto sa mga ito.

Sinabi pa ng pangulo na hindi lamang ang mga kandidato ang kaniyang binabalaan kundi maging ang kagawad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pa, kapartido man o kalaban sa pulitika.

Dapat aniyang hayaan ang mga botante na malayang makapili ng mga kandidatong iboboto sa susunod na halalan.

Samantala, ipinag-utos din ng pangulo sa AFP at PNP na hanggang dalawang security escort lamang ang pwedeng mag-tandem at pwedeng mag-escort sa sinumang kandidatong nangangailangan nito.

Kapag sumobra na aniya sa dalawang security, pwede na itong arestuhin at kumpiskahan ng mga armas dahil ipinagbabawal ito ng batas sapagkat lalabas na itong private armed group na.

TAGS: 2019 elections, AFP, botante, PNP, Rodrigo Duterte, 2019 elections, AFP, botante, PNP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.