Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa personal na pamamahayag ng nakababatang Duterte.
Iginagalang aniya ni Pangulong Duterte ang mga pananaw ng kaniyang mga anak.
Bahala na rin aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordinating Agency na umaksyon kung hihilingin ng nakababatang Duterte na suriin ang ouster plot laban sa kanyang ama.
Bahala na rin aniya ang nakababatang Duterte na magpaliwanag kung saan niya nakuha ang impormasyon na may pagtatangkang patalsikin sa puwesto ang kanyang ama.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na kumpiyansa ang Palasyo na hindi magtatagumpay ang alinmang grupo na patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte lalo’t mataas ang popularity rating nito.
Base sa Facebook page ni dating Vice Mayor Duterte, nagsasabwatan umano sina Vice President Leni Robredo, ilang mga obispo at mayayamang negosyante gaya ng may-ari ng Jollibee Food Corporation para patalsikin sa puwesto ang kanyang amang si Pangulong Duterte.