Kampo ni Revilla, iginiit na hindi kasama ang senador sa magsasauli ng P124M sa gobyerno
Sinabi ng kampo ni dating Senador Bong Revilla na hindi ito kasama sa inutusan na magsauli ng P124 milyon dahil sa kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.
Ayon sa abogado ni Revilla na si Atty. Ramon Esguerra, malinaw sa dispositive portion ng not guilty decision ng Sandiganbayan First Division na ang mga hinatulang guilty lamang ang sinabihan na magsauli ng naturang halaga bilang civil liabilities.
Ang obligado lang aniyang magsauli ng pera ay ang sinasabing utak ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles at ang dating chief of staff ni evilla na si Atty. Richard Cambe.
Paliwanag pa ng abogado, walang basehan ang korte para papanagutin si Revilla kaya malinaw na wala itong civil liability.
Ito aniya ay alinsunod sa Article 100 ng Revised Penal Code.
Giit ng kampo ni Revilla, hindi pwedeng papanagutin ang kaniyang kliyente dahil hindi ito nahatulan ng guilty.
Abswelto ang dating senador sa kasong plunder dahil sa kabiguan umano ng prosekusyon na patunayan na may kickback siyang P224.5 milyon mula sa kanyang pork barrel funds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.