Walang pork barrel sa 2019 national budget – DBM

By Jan Escosio December 10, 2018 - 03:43 PM

Ipinagdiinan ni Budget secretary Benjamin Diokno na walang naisingit na pork barrel sa 2019 national budget.

Aniya, nagkaroon ng pag-amyenda sa pambansang budget sa Mababang Kapulungan.

Ngunit inamin ng kalihim na may kapangyarihan ang mga miyembro ng Kamara na amyendahan ang National Expenditure Program na isinumite ng Malakanyang.

Tugon ito ni Diokno sa pandidikdik ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na naglaan ng tig-P60 milyong halaga ng kanilang mga programa at proyekto ang mga miyembro ng Kamara.

Ayon kay Lacson, hindi nakonsulta ang DBM sa ginawang hakbang ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Ngunit ayon kay Diokno, walang paglabag sa batas kung hindi sila nakonsulta ng mga kongresista.

TAGS: 2019 national budget, DBM, pork barrel, Sec. Benjamin Diokno, 2019 national budget, DBM, pork barrel, Sec. Benjamin Diokno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.