Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong buwan

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2018 - 12:43 PM

May pagtaas na P0.09/kwh ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Disyembre.

Sa abiso ng Meralco, bagaman bumaba ang halaga ng kuryente sa sport market ng P1/kwh ay tumaas naman ang presyo ng kuryente na nanggagaling sa independent power producers at mga planta na ka-kontrata ng Meralco.

Ayon sa Meralco, 20% lang ng kuryente ang kinuhang supply sa spot market.

Dahil sa dagdag-presyo, ang mga kumokonsumo ng 200kwh kada buwan ay may dagdag na P18 sa kanilang December bill.

P27 naman ang dagdag kung ang konsumo ay 300 kwh, P26 para sa 400 kwh ang konsumo at P45 kung ang konsumo ay 500kwh.

TAGS: meralco, power rate hike, Radyo Inquirer, meralco, power rate hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.