Mga tindahan ng Christmas decors sa QC ipinasara ng BIR

By Erwin Aguilon December 10, 2018 - 12:27 PM

BIR Photo

Anim na tindahan ng mga dekorasyon para sa Pasko ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BOR) sa Dapitan Arcade at Suki Market sa Quezon City.

Sa ikinasang Oplan Kandado ng BIR, ipinasara ang tindahan na pag-aari ng isang Clarice Norma Maog.

Ayon kay Director Marina De Guzman ng BIR ito ay dahil sa hindi nag-iisyu ng resibo at nagbabayad ng tamang buwis sa BIR ang mga tindahan.

Ang operasyon ay nag-ugat matapos aniya na magsagawa ng surveillance ang mga tauhan ng BIR.

Giit pa ni De Guzman matagal na nilang pinadalhan ng notice ang may-ari para mabigyan ng babala ngunit hindi naman nito inaksyunan.

Nang magsagawa ng Oplan Kandado ang mga tauhan ng BIR ay wala ang may-ari ng tindhan at nakasara ang mga establisyimento.

TAGS: BIR, Oplan Kandado, QC, Radyo Inquirer, BIR, Oplan Kandado, QC, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.