Janet Lim Napoles hiniling na manatili siya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig

Matapos mahatulan sa kasong plunder, nais ni Janet Lim Napoles na sa Camp Bagong Diwa sa Taguig siya manatiling nakakulong.

Naghain ng apela si Napoles sa utos ng Sandiganbayan na makulong siya sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

Ayon kay Napoles, hindi pa naman pinal ang hatol ng Sandiganbayan sa kaniyang kaso kaya hinihiling niyang manatili muna sa Camp Bagong Diwa.

Maliban dito, sinabi ng kampo ni Napoles na may banta sa kaniyang buhay kung siya ay malilipat muli sa correctional.

Noong April 2015 hanggang May 2017 ay nakulong na sa correctional si Napoles.

Ito ay matapos na mahatulan siya sa kasong serious illegal detention, gayunman, binaligtad ng Court of Appeals ang naturang hatol kaya napayagan siyang mailipat sa BJMP facility.

Read more...