Sen. Antonio Trillanes IV naglagak na ng piyansa para sa kinakaharap na kasong libelo

December 10, 2018 - 11:54 AM

INQUIRER.net Photo | Daphne Galvez
Naglagak na ng piyansa para sa kaniyang kasong libelo si Senator Antonio Trillanes IV.

Nagtungo sa Pasay City Regional Trial Court Branch 118 si Trillanes para maglagay ng P24,000 na piyansa sa bawat bilang ng kasong libelo.

Ang kaso ay isinampa ni presidential son Paolo Duterte laban sa senador sa Davao court.

Noong Biyernes, nagpalabas ng apat na warrant of arrest ang Davao City Regional Trial Court Branch 54 para sa apat na bilang ng kasong libelo.

Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ni Trillanes sa nakababatang Duterte na sangkot ito sa shabu smuggling sa customs at sa pangingikil sa ride-sharing app na Uber.

TAGS: antonio trillanes, Radyo Inquirer, antonio trillanes, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.