‘Major exercise’ para sa idaraos na APEC summit, isasagawa bukas

By Dona Dominguez-Cargullo November 13, 2015 - 10:48 AM

apec-1109Huling weekend bago ang idaraos na APEC summit, magsasagawa ng ‘major exercise’ ang lahat ng may kinalaman sa paghahanda para sa nasabing event na dadaluhan ng 21 lider.

Ayon kay Philippine National Police Director Gen. Ricardo Marquez, bukas isasagawa ang ‘major exercise’ kung saan bubusisin aniya ng grupo ng mga auditors ang bawat bahagi ng paghahanda.

Sa nasabing pagsasanay, tutukuyin kung mayroon pang mga kinakailangang baguhin, dagdagan o bawasan sa preparasyon.

Ang full-scale security simulation exercise na gagawin bukas ay magsisimula ng alas 7:00 ng umaga. Kasama sa pagsasanay ang convoy runs at crowd control.

Sa panig ng PNP, sinabi ni Marquez na handa silang magpatupad ng mga adjustments sa security preparations, kung kakailanganin. “Meron pang major exercise bukas, may team of auditor, at kung kinakailangan pa ng mga adjustments, gagawin naming,” ayon kay Marquez.

Muling iginiit ni Marquez na walang namomonitor na banta ang intelligence community maliban na lamang sa mga planong mass protest ng ilang militanteng grupo.

At dahil mahaba-haba ang bakasyon sa Metro Manila, sinabi ni Marquez na hindi lang APEC activities ang kanilang pinagtutuunan ng pansin kundi maging ang mga biyahe na inaasahang magsisiuwian sa mga lalawigan ngayong weekend.

TAGS: APECsummitpreparation, APECsummitpreparation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.