4 na maritime schools na walang permit padadalhan ng show cause order ng MARINA

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2018 - 08:31 AM

Nakatakdang padalhan ng show cause order ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang apat na maritime higher educational institutions (MHEI) sa bansa dahil sa pag-operate ng walang permit.

Ayon sa MARINA natuklasan nila na apat mula sa dalawampu’t isang MHEIs na hindi naaprubahan ang aplikasyon para makapag-operate ang nagpatuloy sa pagtanggap ng mga estudyante para sa Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) at Bachelor of Science in Marine Engineering (BSMarE) sa academic year 2018-2019.

Hindi muna pinangalanan ng MARINA ang apat eskwelahan dahil padadalhan pa lamang ito ng show cause orders.

Bibigyan din ang mga ito ng 10-araw matapos matanggap ang show cause order para magsumite ng tugon sa MARINA.

Tuluy-tuloy ang monitoring ng MARINA sa mga MHEIs para matiyak na sila ay may maayos na pasilidad at training equipment, quality standard system (QSS), shipboard training, examination and assessment system, faculty, at curriculum.

Kailangan aniyang nakasusunod ang mga ito sa isinasaad ng STCW Convention 1978 para matiyak ang kalidad ng Filipino seafarers.

TAGS: MARINA, maritime higher educational institutions, MARINA, maritime higher educational institutions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.