Pepper spray posibleng nagdulot ng kaguluhan na nauwi sa stampede sa Italy

By Justinne Punsalang December 10, 2018 - 12:37 AM

AP

Isang pepper spray ang nakita ng mga otoridad sa kanilang pag-iimbestiga sa naganap na stampede sa isang disco sa Corinaldo, Italy.

Ayon kay Carabiniere paramilitary police commander, Colonel Cristian Carrozza, hindi pa batid kung ang naturang pepper spray ba ang naging ugat ng kaguluhan na kalaunan ay nagdulot ng stampede sa Lanterna Azzurra disco.

Hindi rin kinumpirma ni Carrozza ang mga bali-balitang isang 16 na taong gulang na binata ang nag-spray nito. Ngunit aniya, isa ito sa mga isasailalim sa pagkwestyon ng mga otoridad.

Dahil sa naturang stampede, anim ang naitalang nasawi, kabilang dito ang limang mga menor de edad at isang ginang na sinamahan lamang ang kanyang anak sa concert sa disco.

Pito naman sa mahigit 50 mga nasugatan ang nasa kritikal na kundisyon.

Nabatid na bagaman 870 lamang ang maximum capacity ng disco, at 460 naman ang capacity ng mismong pagdadausan ng concert, umabot sa 1,400 ang bilang ng mga tickets na naibenta.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Samantala, dalawa pang disco ang ipinasara ng mga otoridad sa lungsod ng Salerno dahil sa kaso ng overcrowding.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.