DSWD kinundena ang paggamit ng mga pulitiko sa kanilang mga proyekto

By Jong Manlapaz December 10, 2018 - 01:09 AM

Inquirer file photo

Muling nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local politicians na huwag gamiting behikulo ang tulong na binibigay ng ahensya para sa electoral campaign.

Ang babala ay ginawa ng DSWD matapos silang makatanggap ng report na ilang mga pulitiko ang naglalagay ng mga tarpaulins at nagsasalita habang pinamamahagi ang cash assistance sa mga beneficiaries ng DSWD programs.

May mga ulat rin umanong natatanggap ang DSWD na ilang kandidato ang nagbabanta sa mga beneficiaries na tatanggalin sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung hindi sila ang iboboto sa midterm-elections sa susunod na taon.

Dahil dito ipaparating ng DSWD sa DILG at maging sa Comelec ang paggamit ng ilang pulitiko sa mga proyekto ng kanilang ahensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.