Murang kuryente hiling ng isang grupo ng konsyumer kay Pangulong Duterte
Hinihiling na regalo ngayong Kapaskuhan ng isang grupo ng mga konsyumer kay Pangulong Rodrigo Duterte ang malinis at murang halaga ng kuryente.
Ayon kay Power for People Coalition Convenor Gerry Arances, sa kasalukuyan ay nasa 22 milyong Filipino ang nasa kahirapan subalit nananatili umano ang Pilipinas na mayroong pinakamataas na presyo ng kuryente sa Southeast Asia habang pangalawa naman sa buong rehiyon ng Asya.
Nababahala naman si Sanlakas Secretary-General Atty. Aaron Pedrosa na malayo pa para maibigay ang malinis at abot-kayang enerhiya sa bansa dahil maging ang pangulo mismo at ang Department of Energy (DOE) ay sinusulong ang paggamit ng coal.
At dahil delayed ang implementation ng mechanisms ng 10-year old Renewable Energy Law, kulelat na umano ang Pilipinas sa global trend sa mababang presyo ng elektrisidad sa pamamagitan ng Renewable Energy.
Magugunitang isinusulong ng naturang koalisyon ang paggamit ng Renewable Energy kapalit ng coal power plants ng Meralco na umanoý nagpapataas sa presyo ng kuryente sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.