Nagtamo ng second degree burns ang isang 23 anyos na babae at kanyang tatlong taong gulang na anak matapos sunugin habang natutulog sa Silay City, Negros Occidental.
Ayon sa Philippine National Police Women and Children’s Protection Desk, nangyari ang insidente madaling araw ng Linggo kung saan ang suspek ay mismong ka-live in partner at ama ng mga biktima.
Selos umano ang dahilan kung bakit naisipan itong gawin ng suspek.
Hinala rin ng pulisya, gumagamit ng iligal na droga ang lalaki.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang ang mag-ina ay patuloy na nagpapagaling.
MOST READ
LATEST STORIES