Sison hinamon ng Malacañan na umuwi ng Pilipinas

By Justinne Punsalang December 10, 2018 - 01:46 AM

FILE

Hinamon ng Palasyo ng Malacañan si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na umuwi ng Pilipinas upang personal na makita ang lagay ng independent foreign policy ng bansa.

Ito’y matapos batikusin ni Sison si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi umano nito pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas tungkol sa mga pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, hinimok ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Sison na itigil na ang kanyang propaganda war sa gobyerno lalo na’t wala naman siya sa bansa.

Ani Panelo, dapat ay umuwi na ng Pilipinas si Sison at tingnan ang mga ginagawa ng pamahalaan tungkol sa usapin ng mga teritoryo.

Aniya, maingat at diplomatiko ang paraang pinili ng gobyerno upang ipaglaban ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo, ang basehan lamang ni Sison ay isang artikulong naiakda dalawang taon na ang nakakaraan.

Paliwanag pa ni Panelo, may hawak na mga impormasyon si Pangulong Duterte na hindi nito maaaring ibahagi sa publiko, ngunit tiyak na makatutulong sa pag-angkin ng Pilipinas sa mga teritoryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.