Babae patay matapos mabundol ng van sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 10, 2018 - 04:18 AM

Contributed photo

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang babae matapos itong mabundol ng isang van sa East Kamias, Quezon City.

Sa ngayon ay hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng babae dahil wala itong dalang anumang identification at hindi rin ito kilala ng mga residente sa lugar.

Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, patungong-norte ang puting van nang tumawid at mahagip ang biktima.

Kwento ng driver ng van, hindi mabilis ang kanyang pagmamaneho at sadyang hindi lamang niya nakita ang babae dahil madilim ang lugar.

Agad isinugod ng rescue team ang babae sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.