3 miyembro ng gunrunning syndicate patay sa engkwentro sa Maynila

By Justinne Punsalang December 10, 2018 - 03:47 AM

Nauwi sa engkwentro ang dapat sana’y buy bust operation laban sa mga miyembro ng gunrunning group sa Baseco Compound sa Maynila.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang tatlong kalalakihan na napatay sa engkwentro.

Ayon sa mga otoridad, ilang beses nang naudlot ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and detection Group (CIDG) – Manila at Manila Police District (MPD) Station 5 laban sa mga suspek.

Nakatakda sanang bumili ang mga poseur buyer ng isang kalibre .45 at isang 9mm baril mula sa mga suspek.

Ngunit bago pa man makalapit ang mga otoridad ay pinaputukan na sila ng tatlo.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga suspek.

Narekober mula sa mga ito ang apat na mga baril at isang granada.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung mayroon pa bang mga kasabwat sa sindikato ang tatlo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.