Construction worker pinatay sa saksak ng katrabaho sa Maynila

By Justinne Punsalang December 10, 2018 - 03:02 AM

Ang biktima mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa ospital matapos siyang saksakin ng katrabahong construction worker sa Leveriza Street, Malate, Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si Glenn Francisco.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagtalo si Francisco at suspek na si Rommel Dulong dahil sa pagtuturuan kung sino ba ang dapat maglinis ng tumapong tubig sa kanilang barracks.

Nagkapikunan ang dalawa na umabot sa pananaksak sa dibdib ng biktima.

Nagawa pang tumawag ng tricycle ni Francisco at magpadala sa ospital ngunit nasawi rin ito dahil sa dami ng dugong nawala sa kanyang katawan.

Naaresto naman ang suspek na ngayo’y mahaharap sa kasong murder.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.