Higit 1,700 raliyista, arestado sa ‘yellow vest’ protests sa France
Arestado ang mahigit-kumulang 1,700 na katao sa “yellow vest” protests sa France.
Sumillab ang gulo sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis sa ilang lungsod kabilang ang Marseille, Bordeaux, Lyon at Toulouse.
Ito na ang ikaapat na weekend ng malawakang protesta para tutulan ang mataas na presyo ng mga bilihin at partikular mismo kay President Emmanuel Macron.
1,220 sa kabuuang 1,723 na katao ang nakadetine sa kustodiya ng ministry sa lugar.
Sa tala ang interior ministry, aabot sa 136,000 katao ang nakiisa sa rally nitong Sabado. Malapit ang nasabing bilang sa nakuhang tala noong December 1.
Nagdulot na aniya ng karahasan at pagkasira sa ilang ari-arian ang nagpapatuloy na kilos-protesta.
Ang ilan ay nagsusunod ng mga kotse, barikada at binabasag ang mga bintana ng mga gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.