Midas Marquez, pasok sa shortlist ng JBC sa bagong SC justice

Pasok sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa bagong justice ng Supreme Court si court administrator Jose Midas Marquez.

Ayon sa JBC Ex-Officio member at Justice secretary Menardo Guevarra, kasama rin sa listahan si Sandiganbayan presiding justice Amparo Cabotaje Tang.

Nabatid na 10 ang nominado sa babakantehing puwesto ni Associate Justice Noel Tijam.

Si Tijam ay nakatakdang mag-retiro sa January 5, 2019 dahil sa sasapit sa kaniyang mandatory retirement age na 70 taong gulang.

Ayon kay Guevarra, nakakuha si Tang ng limang boto habang apat na boto naman ang nakuha ni Marquez.

Read more...