Sentimiyento ng mga taga-Mindanao, dahilan ng pagpapalawig ng Martial law sa rehiyon

By Ricky Brozas December 09, 2018 - 04:45 PM

Ginawang basehan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang anila’y “overwhelming sentiment” ng mga taga-Mindanao para palawigin ang umiiral na Batas militar sa rehiyon.

Ayon kay AFP Public Affairs chief Colonel Noel Detoyato, ito ang dahilan kung bakit hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang Martial law extension sa Mindanao.

Paliwanag ni Detoyato, base sa kanilang mga nakakalap na impormasyon ay mayroon pa ring ongoing armed rebellion sa rehiyon.

Bukod dito, inirekomenda rin daw nila ang Martial law extension dahil sa magandang tugon ng mga taga-Mindanao sa implementasyon at sa resulta na rin ng Batas militar.

TAGS: AFP, Martial Law, Mindanao, AFP, Martial Law, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.