Martial law sa Mindanao, hindi dapat palawigin – mga obispo

By Chona Yu December 09, 2018 - 04:25 PM

Naniniwala sina Cagayan de Oro bishop Antonio Ledesma, Kidapawan bishop Jose Colin Bagaforo, at Marbel bishop Dinualdo Gutierrez na hindi na kailangan na palawigin pa ang Martial law sa Mindanao region.

Paliwanag ng tatlong obispo, sapat na ang pagbabantay ng mga pulis at sundalo para panatilihin ang peace and order sa Mindanao region.

Ayon kay Bishop Bagaforo, sapat na ang mahigit isang taon na Martial law sa Mindanao para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga residente roon.

Sinabi pa ni Bagaforo na mismong ang mga pulis at sundalo na rin ang nagsabi na normal na ang sitwasyon sa Mindanao kung kaya hindi na kailangan na palawigin pa ang Batas militar.

Matatandaang pormal nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na nais niyang palawigin pa ang Martial law sa Mindanao ng isang taon.

Idineklara ng pangulo ang Martial law sa Mindanao matapos sumiklab ang giyera sa Marawi City noong May 2017. Matatapos ang martial law sa December 31, 2018.

TAGS: Cagayan de Oro bishop Antonio Ledesma, Kidapawan bishop Jose Colin Bagaforo, Marbel bishop Dinualdo Gutierrez, Martial Law, Cagayan de Oro bishop Antonio Ledesma, Kidapawan bishop Jose Colin Bagaforo, Marbel bishop Dinualdo Gutierrez, Martial Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.