P120M na umano’y nakurakot ni Revilla, malabo nang maibalik sa gobyerno – IBP

By Ricky Brozas December 09, 2018 - 04:24 PM

INQUIRER.net Photo | Cathrine Gonzales

Malabo para sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na maibalik ni dating Senator Bong Revilla ang mahigit P120 milyong sinasabing nakurakot nito.

Sabi ni Atty. Domingo Cayosa, IBP executive Vice President, walang kahahantungan ang hirit ng Sandiganbayan na ibalik ni Sen. Bong Revilla Jr. ang mahigit P120 milyon matapos itong absuweltuhin ng Sandiganbayan sa kasong plunder.

Paliwanag ni Cayosa, kapag acquitted sa kasong plunder ang isang indibidwal ay wala na itong obligasyon na isauli ang anumang halaga ng pera na sinasabing ninakaw nito sa kaban ng bayan.

Dahil dito, sinabi ni Cayosa na may problema sa desisyon ng anti-graft court dahil hindi magkakatugma ang opinyon ng mga mahistradong nagdesisyon sa kaso.

Aniya, mahirap din umanong depensahan ang desisyon dahil sa hindi pagiging logical.

TAGS: Bong Revilla, IBP, plunder, sandiganbayan, Bong Revilla, IBP, plunder, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.