2 sugatan, 100 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

By Angellic Jordan December 09, 2018 - 04:17 PM

Dalawang residente ang sugatan sa sumiklab ang sunog sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Umabot sa 45 kabahayan ang tinupok dahilan para mawalan ng tirahan ang mahigit 100 pamilya sa Samonte Street, Barangay Holy Spirit.

Nagsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma bandang 1:05 ng hapon at tuluyang naapula dakong 2:34 ng hapon.

Batay sa ulat, nagsimula ito mula sa ikalawang palapag sa isa sa mga bahay sa lugar.

Ayon kay QC Fire Officer Jaime Ramirez, hindi pa tiyak ang sanhi ng sunog.

Tinatayang aabot sa P150,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa lugar.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Barangay Holy Spirit, quezon city, sunog, Barangay Holy Spirit, quezon city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.