Katawan ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa Pasig River

By Angellic Jordan December 09, 2018 - 03:24 PM

Natagpuan ang isang katawan ng lalaking biktima sa Pasig River.

Ayon sa pulisya, nakatanggap ng ulat ang mga opisyal ng barangay bandang 11:30, Sabado ng umaga, na mayroong palutang-lutang na katawan sa Pasig River sa Barangay Hulo sa Mandaluyong.

Sa isang panayam, sinabi ni Mandaluyong City Chief of Police Moises Villaceran na posibleng nalunod ang biktima.

Batay kasi sa isinagawang inspeksyon, wala aniyang nakitang sugat sa katawan ng biktima.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga kalapit barangay para malaman ang pagkakakilanlan ng biktima.

Hindi pa nakukuha ng kaniyang pamilya ang biktima na paniniwalaang may edad 18 hanggang 23.

TAGS: Barangay Hulo, Mandaluyong City Police, pasig river, Barangay Hulo, Mandaluyong City Police, pasig river

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.