Trillanes, ipinasusunod sa batas ng Malakanyang

By Chona Yu December 09, 2018 - 02:27 PM

SENATOR TRILLANES / MAY 7, 2015
Senator Antonio Trillanes IV, chairman, Committee on national Defense and Security, presides the senate hearing on China reclamation in the West Philippine Sea on Thursday.
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Sumunod ka sa batas.

Ito ang naging mensahe ng Palasyo ng Malakanyang sa warrant of arrest na inilabas ng Davao City Regional Trial Court Branch 54 laban kay Senador Antonio Trillanes IV dahil sa kasong libel na isinampa ni Presidential son Paolo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi nakikialam ang Palasyo sa kaso ni Trillanes.

Pero bilang isang senador, dapat aniyang sumunod si Trillanes sa kung ano ang mga itinatakda ng batas at ng hukuman.

Sinabi pa ni Panelo, maaring kaya hindi nahahanap ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Trillanes dahil nagpalaam na ito sa korte na bumiyahe sa labas ng bansa.

TAGS: Libel, Sec. Salvador Panelo, sen antonio trillanes iv, Libel, Sec. Salvador Panelo, sen antonio trillanes iv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.