Pagsama ni Bong Revilla sa Hugpong ng Pagbabago, walang problema – Palasyo

By Chona Yu December 09, 2018 - 02:26 PM

Walang nakikitang komplikasyon ang Palasyo ng Malakanyang sa pagkakasama ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa partidong Hugpong ng Pagbabago ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na naabswelto naman sa kasong plunder dahil sa pork barrel scam.

Premature pa rin aniya na magkomento ang Palasyo kung mayroong civil liability si Revilla lalo’t maghahain pa ng motion for clarification ang kampo ng dating senador.

Ayon kay Panelo, malinaw na kontra ang Palasyo sa pork barrel funds.

TAGS: Bong Revilla, hugpong ng pagbabago, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Bong Revilla, hugpong ng pagbabago, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.