Palasyo, ipinaubaya sa US kung magbabayad ng kompensasyon sa mga pamilyang minasaker sa Eastern Samar

By ChonaYu December 09, 2018 - 04:05 PM

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa gobyerno ng Amerika kung magbibigay o magbabayad ng kompensasyon sa mga pamilyang minasaker ng mga sundalong Amerikano sa Balangiga, Eastern Samar may 100 na ang nakararaan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, habambuhay nang utang ng Amerika sa Pilipinas at bahala na sila kung sa paanong pamamaraan babayaran ang mga kinitil na buhay ng mga Filipino.

Malaking bagay aniya at historic sa Pilipinas na isinauli ng Amerika ang Balangiga Bells dahil simbolo ito ng buhay ng mga Filipino.

Kasabay nito, nagpapasalamat aniya ang Palasyo sa gobyerno ng Amerika dahil sa pagsasauli sa Balangiga Bells.

Gayunman, dapat din aniya itong magsilbing alala sa Amerika na sila ang unang lumabag sa karapatang pantao at dapat na magsilbing aral sa kanila.

Matatandaang kinuha ng mga sundalong Amerikano ang Balangiga Bells sa Balangiga Eastern Samar bilang war trophies matapos patayin ang mga residente noong 1901 sa Philippine-American war.

TAGS: balangiga bells, Sec. Salvador Panelo, balangiga bells, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.