“Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018” sa mga paliparan, inilunsad para sa Christmas rush
Handa na ang mga otoridad sa mga paliparan para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na nalalapit na Kapaskuhan.
Inilunsad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018” dahil sa posibleng pagdami ng pasahero simula December 10, 2018 hanggang January 5, 2019.
Ayon sa CAAP, ito ay para matiyak ang ligtas at maayos na airport operations sa pagbiyahe ng mga Pilipino at turista sa bansa ngayong holiday.
Sinabi pa ng CAAP na magdadagdag ng security personnel sa mga paliparan para sa seguridad ng mga pasahero.
Inabisuhan naman ng ahensya ang mga paliparan sa bansa na mag-implementa ng “no leave and day-off” policy sa kasagsagan ng Oplan Biyaheng Ayos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.