Pamplona, Negros Oriental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa Negros Oriental, Linggo ng hapon.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 16 kilometers Southwest ng bayan ng Pamplona.

Niyanig ang naturang bayang dakong 1:10 ng hapon.

May lalim itong 5 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity I sa Dumaguete City habang Intensity II naman sa Sibulan, Negros Oriental.

Gayunman, walang napaulat na nasira sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...