NCRPO, natanggap na ang warrant of arrest vs Trillanes
Natanggap na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar ang kopya ng arrest warrant laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Nag-ugat ang arrest warrant ni Trillanes dahil sa kasong apat na libel na isinampa ni Presidential son Paolo Duterte sa Davao City Regional Trial Court Branch 54. Ayon kay Duterte, malisyoso ang pagdadawit sa kanya ni Trillanes sa smuggling sa shabu at extortion sa ride sharing firm na Uber.
Ayon kay Eleazar, noon pang Biyernes inisyu ang warrant of arrest.
Ayon kay Eleazar, nakipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa Senate sergeant at arms.
Wala aniya sa Senado si Trillanes noong Biyernes at wala rin sa kanyang bahay.
Pinagpipiyansa ng korte si Trillanes ng tig-P24,000 sa bawat kaso kapalit ng kaniyang pansamantalang Kalayaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.