Pacio, nakatakdang depensahan ang ONE strawweight title sa January 2019

Inquirer file photo

Nakatakdang depensahan ni Filipino fighter Joshua Pacio ang kaniyang ONE strawweight title sa unang buwan ng 2019.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dedepensahan ni Pacio ang championship belt sa pamamagitan ng isang rematch kontra kay Hayato Suzuki ng Japan.

Umaasa naman si Pacio na muling matatalo si Suzuki tulad ng kanilang unang paghaharap noong Agosto.

Sa ngayon, mayroon nang 13-2 win-loss record si Pacio habang 20-1-2 naman si Suzuki.

Isasagawa ang ONE: Eternal Glory main event sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia sa January 19, 2019.

Read more...