IBP, dismayado sa pag-abswelto kay Bong Revilla.
Hindi nagustuhan ng isa sa mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagpapawalang- sala ng Sandiganbayan kay dating Senator Bong Revilla sa kasong plunder.
Ayon kay Atty. Domingo Cayosa, executive Vice President ng IBP, nakapagtataka ang pasya ng anti-graft court kung saan inabswelto si Revilla habang hinatulang guilty naman ang kapwa akusado nito na sina Janet Lim-Napoles at Richard Cambe.
Giit ni Cayosa, malinaw ang mga iprinisintang ebidensiya ng prosekusyon na mayroong nangyaring nakawan dahil na rin sa kontrobersiyal na paggamit umano ni Revilla sa kanyang pork barrel.
Masyado rin aniyang pinairal ng mga hukom ng Sandiganbayan ang teknikalidad sa kaso sa halip na tingnan ang merito ng asunto at kahit napatunayan namang milyun-milyong halaga ang nanakaw sa kaban ng bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.