Oras ng botohan sa 2019 elections, palalawigin ng Comelec

Dahil sa paglobo ng bilang ng mga botante, nagpasya ang ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang oras ng botohan sa halalan sa 2019.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, madaragdagan umano ng isang oras ang botohan.

Ayon pa kay Jimenez, umabot na kasi sa 61 milyon ang kabuuang bilang ng mga botante sa bansa. Mas mataas ito kumpara noong 2016 na may 58 milyon lamang.

Dahil dito, bubuksan ang botohan simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Papahintulutan pa rin aniyang bumoto ang mga botanteng nasa 30 meter-radius ng polling centers kahit na lampas na sa oras.

Tatlong beses lang din tatawagin ang pangalan ng botante at kung hindi ito magpakita sa polling precinct ay hindi na siya maaring makaboto.

Sa kabila ng pagdami ng mga botante, sinabi ni Jimenez na hindi naman madadagdagan ang bilang ng mga vote counting machines (VCMs).

Read more...