2 tulak ng shabu, huli sa Valenzuela

By Ricky Brozas December 09, 2018 - 12:21 PM

Dakma ang dalawang tulak ng ilegal na droga pati na ang 13 parokyano ng mga ito sa buy-bust operation sa Valenzuela City.

Nabatid na nagkasa ng buy-bust operation ang Valenzuela City Police laban sa dalawang suspek sa Independence Street, Gen. T. De Leon.

Sa pagpapanggap ng isang pulis na buyer ay positibong nakabili ito ng P200 halaga ng shabu mula sa mga suspek.

Agad na dinakip ang dalawa matapos ang transaksiyon, isinama din sa mga hinuli ang 13 indibidwal kabilang ang isang babae.

Narekober ng pulisya ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: buy bust operation, Valenzuela City Police, buy bust operation, Valenzuela City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.