P7M halaga ng shabu, narekober sa buy-bust ops sa Cebu City

By Ricky Brozas December 09, 2018 - 12:20 PM

INQUIRER File Photo

Dahil sa sumbong ng mga residente ay nasamsam ng mga otoridad ang aabot sa P7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Guadalupe sa Cebu City, Sabado ng gabi.

Nakilala ang suspek na si alyas Adreainne na siya umanong nagpapakalat ng droga sa lugar.

Aabot sa 1.1 kilo ng sinasabing shabu ang nasamsam mula sa suspek na kilala rin sa alyas na “Ter.”

Nagrerenta lamang siya sa bahay kung saan isinagawa ang operasyon.

Sinusuri na ng pulisya ang pinagkukunan ng ilegal na droga batay sa ilan nilang nakuhang impormasyon.

TAGS: buy bust operation, cebu, shabu, buy bust operation, cebu, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.