SAMPUNG TANONG SA ‘ACQUITTAL’ NI EX SEN BONG REVILLA sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo
Matapos mapawalang sala si ex-Sen. Bong Revilla ng Sandiganbayan First division sa botong 3-2, maraning kwestyon ang maingay ngayon. Tatlong associate justices ang bumoto para sa acquittal, at dalasa para sa conviction, pero hanggang ngayon, hindi pa napupublika ang “full transcript” ng kanilang mga desisyon.
Unang-una, sinolo ba talaga ni Atty Richard Cambe, chief of staff ni Revilla, ang P224-M na komisyon mula kay Janet Lim Napoles?
Ikalawa, kapani-paniwala bang hindi alam ng Senador na gumagawa ng milyun-milyong pera ang kanyang “chief of staff” na ‘alter ego’ o katiwala niya sa kanyang upisina?
Ikatlo, si Atty. Cambe ba at hindi si Sen. Revilla ang sinusuhulan at binibigyan ng pera ni Janet Lim Napoles?
Ikaapat,, posible bang maglabas ng maraming “pork barrel funds” si Sen. Revilla para sa mga “bogus foundations” ni Naples nang walang kapalit na kumisyon o porsyento?
Ikalima, bakit sa report ng AMLC may pagka-pareho ang mga halaga ng mga tseke mula kina Benhur Luy at Napoles na pumasok sa bank account ni Revilla? Hindi ba’t indikasyon ito na napunta sa senador.
Ikaanim, bakit halos iskandaloso ang paglaki ng SALN ng senador noong mga taong iyun?
Ikapito, bakit nag-focus ang tatlong mahistrado sa pinekeng pirma at sa pagbaligtad ng whistleblowers gayong “overwhelming” ang ibang ebidensya tulåd ng “paper trail” ng pera tulad ng sinabi ng isang “dissenting” Associate justice?
Ikawalo, kung acquitted si Revilla sa desisyon, bakit kasama siya sa pinagbabayad ng P124-M bilang danyos sa gobyerno? Ibig bang sabihin,”guilty” siya “civilly” pero hindi lamang napatunayan “beyond reasonable doubt.”
Ikasiyam, hindi kaya nag-sakripisyo na lang si Atty. Richard Cambe para makalibre ang kanyang boss?
At ika-sampu, mabuti bang ehemplo sa mga susunod na henerasyon na kapag pineke ang pirma ay libre na sa kasalanan kahit maraming ebidensya ? Ibig bang sabihin, libre na rin sa mga kaso ang mga pulitikong nagsabing pineke ni Benhur Luy ang kanilang pirma?
Sa totoo lang, sa acquittal ni Revilla, may malaking pananagutan ang mga “prosecutors” ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales gayundin ang mga prosecutors ni dating justice Secretary at ngayo’y Sen. Leila de Lima. Sila ang bumuo ng kaso, naghanap ng ebidensya , kumalap ng mga testigo upang matiyak na “convicted” si Revilla at chief of staff nito. Pero, valanga nangyari.
Ngayon, nakalaya at nakapag-pyansa sina Senators Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile. Nakakulong naman ang “chief of staff ni Enrile na si Atty. Gigi Reyes samantalang “at large” pa rin ang deputy chief of staff ni Jinggoy na si Pauline Therese Mary Labayen.
Naiisip ko tuloy. Hindi kaya gumaya na rin si Atty Gigi Reyes kay Atty. Richard Cambe?Sa totoo lang, sampung bilyong piso ng “taxpayers money” ang nakulimbat sa PDAF at pekeng NGO at foundations. Limang taon na ang nakalipas pero ngayon lang nasentensyahan si PDAF Queen Janet Lim Napoles. Marami pang mga pulitiko ngayon ang dapat ay nasa kulungan din pero hindi man lang nakasuhan o nabulgar ang mga pangalan.
Makakarma din kayo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.