Amihan at Easterlies nakakaapekto sa sa bansa ngayong araw – PAGASA

Walang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA sa bansa sa kasalukuyan.

Sa 4am weather update ng ahensya, Hanging Amihan at Easterlies lamang ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng kapuluan.

Dahil sa epekto ng Amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay may posibilidad pa rin ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan dahil pa rin sa Amihan.

Sa CARAGA at Davao Region ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa epekto ng Easterlies.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mgapag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nakataas ang gale warning o ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Provinces, La Union at Pangasinan.

Read more...