Sabotahe? Gown ng pambato ng Pilipinas sa Miss Supranational 2018 nasira

By Rhommel Balasbas December 09, 2018 - 05:51 AM SHARE(S):

Hindi man nasungkit ang korona, masaya ang Filipino pageant fans sa determinasyong ipinakita ni Miss Supranational Philippines 2018 Jehza Huelar.

Ito ay dahil sa matagumpay nitong nalampasan ang nasira niyang gown noong coronation night.

Sa isang post sa Instagram stories, ibinahagi ni Huelar ang larawan ng kanyang evening gown na naisuot na lamang sa pamamagitan ng mga perdible.

Ayon sa kandidata, nasira ang kanyang gown matapos lamang ianunsyo ang Top 10.

Gayunman, rumampa si Huelar sa stage na parang walang nangyari.

Maraming netizens ang nagsabing maaaring sinabotahe ang kandidata.

Kinoronahan sa naturang pageant si Valeria Vazquez ng Puerto Rico.

Ngayong araw ay nakatakda namang magpakitang gilas si Marco Poli sa Mister Supranational 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.