U.S. Pres. Trump, pinasaringang muli ang Paris climate agreement

By Isa Avendaño-Umali December 09, 2018 - 05:48 AM

Pinatutsadahang muli ni U.S. President Donald Trump ang Paris agreement ukol sa paglaban sa climate change, sa pagbanggit ng nagpapatuloy na protesta sa Paris.

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Trump na “very sad day & night in Paris.”

Ayon kay Trump, napapanahon nang itigil na ang aniya’y “ridiculous and extremely expensive Paris agreement” at ibalik daw ang pera ng mga tao sa pamamagitan ng mas mababang buwis.

Matatandaan na ni-reject ni Trump ang naturang kasunduan at sinabing “fatally flawed” ito.

Mag-iisang buwan na ang mga kilos-protesta sa Paris na binansagang “yellow vest protests.”

Bukod sa isyu ng climate change, ang protesta ay laban din sa fuel tax hikes at mataas na living costs doon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.