Gilas Pilipinas, may tsansa pang mag-qualify sa 2019 FIBA World Cup

By Isa Avendaño-Umali December 09, 2018 - 05:47 AM SHARE(S):
Photo courtesy of Gilas

May tsansa pa ang Gilas Pilipinas na mag-qualify sa 2019 FIBA World Cup.

Ito’y kung makaka-abante ang koponan ng Pilipinas o maka-tie ang Japan sa pagtatapos ng FIBA Qualifiers 6th and final window.

Sa inilabas na schedule ng Gilas Pilipinas, makakatunggali nila sa 6th window ang Qatar sa February 21, 2019.

Sa February 24, 2019 naman, makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Kazakstan.

Sa kasalukuyan, ang Gilas Pilipinas ay may rekord na 5-5.

Matatandaan na natalo ang Philippine team sa nakalipas na laban nito kontra sa teams ng Kazakstan at Iran.

Qualified na sa 2019 FIBA World Cup ang basketball teams ng Australia, New Zealand at South Korea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.