Presyo ng gasolina sa susunod na linggo tataas; diesel at gaas bababa

By Rhommel Balasbas December 09, 2018 - 04:05 AM

Matapos ang walong sunud-sunod na linggong rollback sa presyo ng petrolyo ay tataas na ang presyo ng gasolina mula sa susunod na linggo.

Inaasahang madagdagan ng P0.40 hanggang P0.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Mababawasan pa rin naman ang presyo ng mga produktong diesel at kerosene o gaas.

Ang diesel ay may katiting na rollback sa P0.10 hanggang P0.15.

Habang ang gaas ay matatapyasan ng P0.40 hanggang P0.50.

Ang pagtaas sa presyo ng gasolina ay dahil sa pasya ng Organisation of the Petroleum Exporting Countries at Russia na bawasan na ang produksyon ng langis.

Matatandaang ang sunud-sunod na rollback sa presyo ay dahil sa oversupply.

Inaasahan namang mararamdaman ang mas malaking epekto ng bawas-suplay sa mga susunod na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.