PNP mananatiling alerto sa kabila ng unilateral ceasefire na idineklara ng CPP-NPA

By Rhommel Balasbas December 09, 2018 - 03:52 AM

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mananatiling silang nakaalerto sa kabila ng unilateral ceasefire na idineklara ng Communist Party of the Philippines (CPP) para sa Kapaskuhan.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr. na magpapatuloy ang regular law enforcement at security operations ng PNP.

Magugunitang noong Biyernes, inanunsyo ng CPP ang kanilang dalawang bahaging unilateral ceasefire na epektibo sa hatinggabi ng December 24 hanggang hatinggabi ng December 26 at hatinggabi ng December 31 hanggang sa January 1.

Naniniwala ang PNP na hindi seryoso ang CPP-NPA-NDF sa kanilang deklarasyon.

Ani Durana, panis na ang mapanlinlang na ideolohiya ng komunistang grupo na hindi na dapat pang pagkatiwalaan kahit kahilan.

Ayon sa PNP, hindi nila papayagan ang anumang gawaing terorismo at maging ang recruitment at pandurukot sa mga kabataan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.