Ash fall naranasan sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa nasunog na pabrika ng karton sa Libis
Inulan ng alipato o abo ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa nasunog na pabrika ng karton sa Bagyong Bayan sa Obrero, Quezon City.
Ang nasabing sunog ay kagabi pa nagsimula alas 9:03 ng gabi batay sa monitoring ng text fire.
At dahil pabrika ng karton ang nasunog agad itinaas sa task force bravo ang alarma alas 9:43 ng gabi. Alas 12:52 idineklarang under control na ang sunog.
Dahil sa nasabing sunog, inulan ng abo ang bahagi ng C5 sa Pasig at Quezon City at nakarating din ang abo o alipato sa bahagi ng San Juan, Makati, Nagtahan sa Maynila at Mandaluyong City.
Halos wala na ring natira sa nasunog na gusali at bumagsak na ang bahagi ng bubungan nito dahil sa pagkakatupok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.