Walo katao ang iniulat na nasaktan sa banggaan ng anim na sasakyan sa Nagtahan Bridge o Mabini Bridge sa Maynila, Lunes ng hapon.
Ayon kay Alvin Roxas ng MMDA Metrobase sa panayam ng programang #partners sa Radyo Inquirer, unang nawalan ng kontrol sa minamaneho niyang sasakyan ang driver ng isang 10-wheelet truck na puno ng saku-sakong asukal sa southbound lane ng Nagtahan malapit sa kanto ng M. Guazon at nabangga ang isa pang trak na nasa kanyang harapan.
Dahil sa tindi ng aksidente, tumawid pa sa southbound lane ang truck at nakabangga pa ng apat na kotse at AUV na halos madurog at mayupi sa tindi ng pagkakabangga.
Ayon sa driver ng unang trak na si Elbert Olandia, nawalan siya ng kontrol nang siya’y magpreno sa stoplight.
Nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na nadala sa magkakahiwalay na pagamutan.
Dahil sa aksidente, naging matindi ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar. – Jay Dones/mula sa Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.