Bilang ng patay sa pag-inom ng lambanog sa Laguna, umabot na sa 11

By Angellic Jordan December 08, 2018 - 08:33 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa hinihinalang pagkalason sa ininom na lambanog sa Laguna.

Sa isang panayam, sinabi ni Sta. Rosa Police chief, CSupt. Eugene Orate na nasawi na ang isang 52-anyos na lalaking uminom ng lambanog sa Barangay Pooc.

Kasama ito sa grupo ng mga lalaking uminom ng lambanog noong December 2.

Sa Sta. Rosa, umabot na aniya sa limang katao ang nasawi dahil sa naturang alak.

Maliban dito, anim na iba pa ang namatay sa Calamba.

Patuloy namang inoobserbahan ang 87 na residente mula sa Barangay Sucol sa Laguna.

Sa ngayon, 16 katao, kasama ang lima mula sa Quezon City, ang kabuuang bilang ng nasawi matapos uminom ng lambanog.

TAGS: lambanog, Sta Rosa Police, lambanog, Sta Rosa Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.