Nagkasagupa ang mga elemento ng 21st Infantry Battalion at mahigit 30 miyembro ng Abu Sayyaf sa bahagi ng Barangay Bungkaong bandang 5:38, Biyernes ng hapon (December 7).
Dahil dito, nasugatan si Corporal Herald Marayag ngunit idineklara ring dead-on-arrival sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital.
Tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok ng militar at rebeldeng grupo.
Nagparating naman ng pakikiramay si Western Mindanao Command commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega sa naiwang pamilya ni Marayag.
Ipagpapatuloy aniya ng militar ang ipinamalas na sakripisyo ni Marayag para makamit ang kapayapaan sa Sulu.
Samantala, nakuha naman sa panig ng Abu Sayyaf ang naiwang M14 rifle, tatlong magazine at isang bandoleir.
Patuloy ang combat operations ng Joint Task Force Sulu laban sa Abu Sayyaf sa naturang lugar.