Ayon kay Pasay Police chief Sr. Supt. Noel Flores, halos 20,000 ang dumalo sa Coke Studios Christmas Concert.
Pero nagkagulo sa concert, nagbatuhan ng mga bote, dahilan para masugatan at mahimatay ang mga nanonood.
Dahil dito ay hiniling ng pulisya sa organizer na itigil na ang concert dahil sa peligro ng stampede.
Tampok sa libreng concert ang ilang sikat na singers at may iba pang performers na galing sa mga probinsya gaya ng Batangas at Laguna.
Humingi naman ng paumanhin ang Coca Cola Philippines dahil sa insidente.
Sa kanilang Facebook post ay nakasaad na ipinagpaliban ang naturang event sa 2019.
Tiniyak ng Coca-Cola na makikipag-ugnayan sila sa otoridad para sa mahigpit na seguridad sa susunod nilang events.